MANILA, Philippines – Ipinahayag ni Manila Mayor Isko Moreno na ipagbabawal ang mga vendor sa paligid ng Quiapo Church mula Enero 7 hanggang 9, 2026, kasabay ng selebrasyon ng kapistahan ng Jesus Nazareno.
Layunin ng hakbang na masiguro ang kaligtasan, maiwasan ang pinsala mula sa matutulis na gamit, at mapaghanda ng lungsod ang lugar para sa kalinisan.
Gaganapin ang Nazareno 2026 mula Disyembre 31, 2025 hanggang Enero 9, 2026.
Kabilang sa mga pangunahing aktibidad ang Novena Masses, Thanksgiving Procession, barangay visitations, pagbabasbas sa mga replika, Pabihis sa Enero 7, at ang Traslacion sa Enero 9 mula Quirino Grandstand pabalik sa Quiapo Church. RNT