Home NATIONWIDE Pagkulong sa aide ni Zaldy Co, itinanggi ng NBI

Pagkulong sa aide ni Zaldy Co, itinanggi ng NBI

366
0

MANILA, Philippines – Itinanggi ng National Bureau of Investigation (NBI) ang alegasyon ni dating kongresista Mike Defensor na ang aide ng dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co at ang asawa nito ay ilegal na ikinulong at pinalipad palabas ng bansa gamit ang pekeng pasaporte.

Nanawagan ang NBI kay Defensor na magpakita ng mapapatunayang ebidensya, at anila, kung walang kredibleng patunay, nananatiling “walang basehan” ang mga pahayag na ito at maaaring humantong sa kaso dahil sa maling intensyon.

“Should the evidence so warrant, the Bureau shall proceed with the appropriate investigative actions,” ayon sa NBI. “Absent any credible proof, these allegations remain unfounded, cannot be given weight, and may even lead to prosecution for its malicious intent to undermine the credibility and integrity of the Bureau.”

Sinabi rin ng ahensya na nakipag-ugnayan sila sa Bureau of Immigration upang alamin kung umalis nga ba sa Pilipinas ang mag-asawa.

“Nanatiling bukas ang Bureau sa anumang pormal na imbestigasyon at tinatanggap ang lehitimong pagsisiyasat upang matukoy ang katotohanan,” dagdag ng NBI. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here