Home NATIONWIDE Viral video na nagsasabing ‘compromised’ ang militar, itinanggi ng AFP

Viral video na nagsasabing ‘compromised’ ang militar, itinanggi ng AFP

325
0

MANILA, Philippines – Itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Lunes ang isang lumang video na muling lumabas online na nagmumungkahi na “compromised” ang militar.

Ipinapakita sa video ang tawag nina dating House Speaker Martin Romualdez, dating chair ng Appropriations Committee Rep. Zaldy Co, at AFP Chief Gen. Romeo Brawner Jr. tungkol sa pagtaas ng subsistence allowance ng sundalo mula P150 hanggang P350.

Binigyang-linaw ng AFP na ang pagtaas ng allowance, na naaprubahan para sa 2025, ay inisyatiba ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang matugunan ang pangangailangan ng mga sundalo, dumaan sa tamang lehitimong proseso, at hindi bahagi ng anumang politikal na kapalit.

“Ang pahayag na ‘bought’ o ‘controlled’ ang AFP ay mali, pabaya, at kulang sa respeto sa ating mga sundalo,” ayon sa AFP.

Dagdag nila, ang pagpapasalamat sa mga mambabatas sa pagsuporta sa reporma ng allowance “ay hindi nagbibigay ng kontrol sa sinuman sa Armed Forces.” Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here