Home NATIONWIDE ‘Very unhealthy’ air naitala pa rin sa NCR – DENR

‘Very unhealthy’ air naitala pa rin sa NCR – DENR

MANILA, Philippines – Nananatili pa rin sa ‘very unhealthy’ levels ang air quality sa ilang lugar sa National Capital Region (NCR) nitong Martes ng umaga, Agosto 20, sinabi ng Department of Environment and Natural Resources – Environmental Management Bureau (DENR – EMB).

Hanggang nitong alas-8 ng umaga, sinabi ng DENR – EMB Real-Time Ambient Air Quality Monitoring na ang air quality sa mga sumusunod na lugar ay umabot sa lebel na “very unhealthy” at “unhealthy for sensitive groups:”

Pateros – very unhealthy sa 167 air quality index index (AQI)
Makati – unhealthy for sensitive groups sa 139 AQI
Caloocan – unhealthy for sensitive groups sa 128 AQI

Karamihan naman sa mga istasyon para sa air quality monitoring ay nananatiling offline.

Matatandaan na binalot ng makapal na haze ang Metro Manila nitong Lunes.

“The haze that we observed yesterday is most likely due to local pollutants rather than vog. Katulad po ng nangyari sa Batangas, hindi rin po makaangat ‘yung pollutants dahil mabagal po ‘yung hangin causing these pollutants to remain at the lower levels and created the haze we saw yesterday,” ayon sa PHIVOLCS. RNT/JGC