MANILA, Philippines – Nagpositibo sa African swine fever ang mga baboy na sakay ng isa sa dalawang trak na naharang sa checkpoint sa Quezon City at Valenzuela City, ayon sa Bureau of Animal Industry nitong Martes, Agosto 20.
Nasamsam sa checkpoint sa Quezon City ang 147 baboy na may ASF.
Ayon sa BAI, nagpakita umano ng senyales ng ASF infection ang 11 baboy na sakay ng isa sa mga trak bago pa isagawa ang blood tests.
“The pigs were condemned and buried in a central burial site as part of the disease containment measures,” sinabi ng ahensya.
Negatibo naman sa ASF ang 38 iba pang baboy na sakay ng isa pang trak. Pinayagan ng BAI na katayin agad ang mga ito.
Matatandaan na naglagay ng border controls ang Department of Agriculture para pigilan ang pagkalat ng ASF.
Hinimok ng DA ang mga hog trader at transporter na sumunod sa regulasyon upang maiwasan ang pagkalat pa ng ASF at protektahan ang swine industry ng bansa. RNT/JGC