Home NATIONWIDE Alice Guo, lilitisin kahit bumalik sa China – Gatchalian

Alice Guo, lilitisin kahit bumalik sa China – Gatchalian

MANILA, Philippines – Lilitisin si sinibak na Mayor Alice Guo kahit bumalik ito sa China matapos tumakas palabas ng bansa gamit ang illegal na ruta na nagsimula sa Malaysia tungo sa Singapore hanggang makarating ng Indonesia, ayon kay Senador Sherwin Gatchalian.

Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian na may mahigpit na batas ang China laban sa sugal partikular ang Philippine Offshore and Gaming Operations (POGOs) na tinutulungan ni Guo na itayo sa Bamban, Tarlac.

“In fact, they have just updated their law a few years ago to expand the coverage of gambling. By mere investing or association with gambling, you can be prosecuted,” ayon kay Gatchalian.

“My theory is if she goes back to China, she will be prosecuted there because she participated heavily on POGOs which is illegal in China,” dagdag ng senador.

Kasabay nito, sinabi ni Gatchalian na kasalukuyang sinusuri ng Senado ang ulat na nakatakas ito palabas ng bansa dahil nakatanggap ng impormasyon ang kanyang tanggapan na naghain ng counter affidavit si Guo sa kasong human trafficking at nagpunta nang personal sa notary public noong Agosto 14.

“The notary public told us and claimed that Alice Guo went to his office personally to request for that notarization. Apparently on August 14, based on the testament of the notary public, Alice Guo is still here in the country,” aniya.

Sinabi ni Gatchalian na “temporary setback” ang nangyari at umuusad ang kasong isinampa laban kay Guo.

“Even the Senate will file our own case against her on perjury as well as disobedience. So, her world will shrink and the long arm of the law will eventually get her,” ayon sa senador.

Ipinaliwanag ni Gatchalian na kapag nahatulan si Guo, maaari itong ibalik ng Pilipinas kung pinili nitong magtago sa Southeast Asian countries tulad ng Indonesia o Malaysia.

Hiniling naman ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros sa Department of Foreign Affairs (DFA) na kanselahin ang Philippine passport ni Guo.

“Cancelling her passport will limit her travels. Mas madali siya matutuntun kapag hindi siya gala nang gala (She will be easier to find if her travels are limited). And besides, she does not have the right to use a Philippine passport in the first place,” ayon kay Hontiveros sa pahayag.

Hinimok din nniya ang kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na palakasin ang inter-agency coordination upang maiwasan na makatakas ang sinumang wanted palabas ng bansa.

“Dapat nung nakumpirma na pineke ang kanyang pagka-Pilipino, kinansela na agad ang pasaporte niya. Sana naisagawa na ito ng ating mga ahensiya,” ayon kay Hontiveros. Ernie Reyes