Home ENTERTAINMENT Online longganisa business ni Angelica Yulo, patok!

Online longganisa business ni Angelica Yulo, patok!

Manila, Philippines – Kung dire-diretso ang magandang takbo ng online business ni Angelica Poquiz Yulo ay hindi na niya kailangang umasang maaambunan ng anak na si Carlos.

As of latest count, balitang mahigit P100 million aabutin ang matatanggap na cash and in kind ng ating two-time gold medalist.

Siyempre, alam naman nating may nakalaan si Carlos para sa kanyang pamilya.

Hindi nga lang natin alam kung magkano o llang milyon.

Ano’t anupaman, with Angelica’s online biz doing well ay okey lang sigurong wala siyang matanggap na milyones mula sa anak.

Patok na patok kasi ang garlic longganisa a la Vigan ni Angelica priced at P380 per kilo.

Ang balita, hindi lang paisa-isang kilo ang umoorder sa kanya kundi “bultuhan” which is anywhere between three and five kilos.

Family business na rin kasi nila ito with Angelica’s other kids pitching in their help.

‘Yun nga lang, tipong nakasama pa ang ginawang pagreregalo ng mga ito sa kanilang ina.

Elaiza gifted her mom with Guess bag samantalang rubber shoes naman ang iniregalo ni Karl.

Ang dating kasi sa iba, parang pinamumukha ni Angelica ang kaibahan ng dalawa niyang anak kay Carlos.

Sa aminin din naman kasi o hindi ni Angelica, things would not have been complicated as they are now kung hindi dahil sa mga hanash niya noon.

Ayan tuloy, sa kanya nag-boomerang! Ronnie Carrasco IIi