Manila, Philippines – Isa sa mga unang tumugon sa panawagan para magkaroon ng fund-raising event para kay Coritha ay ang kapwa folk singer ding si Lolita Carbon.
Nasaksihan mismo ni Lolita ang kalagayan ngayon ni Socorro Avelino o mas higit na kilala bilang Coritha.
Isinama kasi ng broadcast journalist at vlogger na si Julius Babao si Lolita sa tahanan ni Chito Santos, ang partner ni Coritha, sa Tagaytay.
Namlumo si Lolita nang makita ang kalagayan ngayon ng dating kasamahan: bedridden, hindi na nakakapagsalita at nakakakilos.
Inamin ni Lolita na ikinadurog ng kanyang puso na makita si Coritha.
Stroke ang dahilan ng pagkakaratay ni Coritha.
Hindi malilimutan ni Lolita ang naging collab nila noon ni Coritha, maging ang mga pagkikita nila sa mga event.
Siya rin ang isa sa mga punong-abala na ituloy na ang fund-raising show para malatulong sa mga pangangailangan ni Coritha.
Ganoon lang din ang pasasalamat ni Chito sa mga tulong na natatanggap mula sa mga kung sinu-sinong tao na may mabubuting puso.
Credit goes to Julius whose vlog on Coritha’s present condition ay nakatulong ng malaki.
Sa naturang benefit show, kabilang si Bayang Barrios at iba pang folk singer na umoo agad para magtanghal.
Bagama’t unable to speak, may paraan si Coritha para masabi ang kanyang nararamdaman sa pamamagitan ng simpleng pagkilos o tingin.
Hindi nga lang maiwasang mangilid ang kanyang luha sa mga mata sa tuwing maririnig niya ang kanyang mga pinasikat na awitin. Ronnie Carrasco III