Home METRO 10-anyos na lalaki sinaksak ng 22 beses

10-anyos na lalaki sinaksak ng 22 beses

166
0

MANILA, Philippines – Nag-aagaw buhay ang 10-anyos na lalaki sa ospital sa Taytay, Rizal, matapos itong saksakin ng 18 beses ng isang 18-anyos na babae.

Sa CCTV footage, nakita ang babaeng suspek na naglalakad sa Adica Street saka sinaksak ang bata.

Nangyari ang insidente habang pauwi na mula sa paaralan ang estudyante.

“Bigla na lang nanaksak itong suspek sa isang walang kalaban-labang biktima. Ginamit [niya] yung pwersa niya laban doon sa bata using a bladed weapon, more or less six inches in length,” pahayag ni PCol. Felipe B. Maraggun, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office (PPO), sa panayam ng GMA News.

Matapos na bumagsak sa kalsada ang lalaki at pansamantalang huminto ang suspek, saka pinagsasaksak ulit ang biktima.

Nasaksihan ng ina ng bata ang pangyayari na agad tumakbo upang saklolohan ang anak.

Kaswal naming naglakad paalis ang babae saka itinuro ang sugatang bata sa mga tambay.

Isinugod sa Rizal Provincial Hospital System sa Taytay ang biktima na nagtamo ng tama ng saksak sa balikat at dibdib.

Nahaharap sa kasong frustrated murder ang suspek na nasa kustodiya na ng Taytay Police.

Sinabi ng suspek na iniwan umano ito ng kanyang magulang noong siya ay bata pa.

“Iniwan po nila ako simula nung bata pa [ako],” pahayag ng suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon, posibleng dahil sa selos ang dahilan ng pananaksak ng suspek.

“Masasabi natin parang wala siya sa sarili. And nung in-interview siya ng aming investigator, ay paiba-iba yung sinasabi at hindi klaro. So there’s something about the mindset ng ating suspect,” ani Maraggun. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here