Home METRO “Very unhealthy” kalidad ng hangin sa Maynila, ibinabala; pagsusuot ng facemask, iginiit

“Very unhealthy” kalidad ng hangin sa Maynila, ibinabala; pagsusuot ng facemask, iginiit

91
0

MANILA, Philippines – Pinayuhan ng pamahalaang lungsod ng Manila ang mga residente na magsuot muli ng face mask dahil sa “very unhealthy” na kalidad ng hangin dulot ng sunog sa Navotas Sanitary Landfill.

Ayon sa Manila City DRRM Department, nakapagtala ang kanilang air quality sensors ng “very unhealthy” na kondisyon ng hangin sa Maynila at karatig-lungsod simula hatinggabi ng Abril 27.

“Base sa ating datos, possibleng dahilan pa rin ng pagbaba ng kalidad ng hangin ay ang nangyayaring sunog sa Navotas Landfill na siya namang sinasabayan ng kasalukuyang naoobserbahang hangin na papunta sa Lungsod ng Maynila at sa karatig nitong mga siyudad,” pahayag ng ahensya.

Pinayuhan ang publiko, lalo na ang mga malapit sa Puregold Tayuman, na manatili sa loob ng bahay kung hindi kinakailangan lumabas.

Inirekomenda rin ang pagsusuot ng face mask bilang proteksyon laban sa masamang epekto ng maruming hangin.

Pinayuhan din ang mga bata, senior citizens, buntis, at may sakit sa baga tulad ng asthma na umiwas sa paglabas ng bahay.

Patuloy pa rin ang sunog sa landfill na nakasunog na ng hindi bababa sa 28.6 ektarya simula Abril 21, anim na araw matapos itong magsimula.

Samantala, ilang lokal na pamahalaan sa Metro Manila ang nagbigay na rin ng katulad na paalala na manatili sa loob ng bahay at magsuot ng face mask dahil sa usok at smog mula sa nasusunog na landfill. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here