MANILA, Philippines – Pumanaw na ang beteranang aktres na si Vangie Labalan sa edad na 83, ayon sa pahayag ng kanyang pamilya.
Sa isang Facebook post, sinabi ng kanyang anak na si Carlo Labalan na binawian ng buhay ang aktres noong Pebrero 12 matapos magkasakit, habang napapalibutan ng kanyang mga mahal sa buhay.
“To everyone who know her, love her, and was touched by her kindness, we extend our deepest gratitude. She is deeply loved and will be dearly missed by her family, friends, and all whose lives she touched,” ayon kay Carlo.
“She will be coming home soon. Further details regarding her wake and funeral services will be shared in the coming days.”
Nagpaabot din ng emosyonal na mensahe ang kanyang anak na si Van-van Aligam, na nagsabing mapayapa ang pagpanaw ng kanyang ina at nanatili itong masayahin hanggang sa huli.
“I’m glad you passed peacefully, surrounded by family… We love you Ma. Rest easy,” aniya.
Ibinahagi rin ni Van na sa kanyang ina nagmula ang kanyang pagmamahal sa pag-arte at malaking bahagi ito ng kanilang buhay-pamilya.
“We miss you already. We love you,” dagdag pa niya.
Ipinanganak si Labalan bilang Ma. Christina Bonghanoy Labalan noong Enero 20, 1943. Nakilala siya sa kanyang mga pelikula tulad ng Pi7ong Tagpo at Conan My Beautician, bukod sa marami pang iba. RNT