Home ENTERTAINMENT Vice Ganda, nagpaandar ng kare-kare!

Vice Ganda, nagpaandar ng kare-kare!

72
0

Manila, Philippines – Kare-kare, anyone?

Siyempre, walang tatanggi lalo’t galing mismo kay Vice Ganda.

Ikinatuwa ng mga street sweeper-contestants ng Laro, Laro, Pick ang paandar ng Unkaboggable Star–as in namigay siya ng kare-kare!

Sey niya: “Lahat kayo ioorder ko. Lahat kayo uuwi nang may bitbit na kare-kare! Kain din kayo ng masarap, habang kumakain kami ng masarap!”

Obyus na pasaring ‘yon sa mga korap na pulitiko na kumakain ng masarap samantalang nagugutom ang mga mahihirap.

Nauna nang binigyan ni Vice Ganda ng kare-kare si Bakulog who he asked kung ano ang gustong pagkaing pinagsasaluhan ng pamilya nito.

Na-touch naman ang TV host sa sagot nito–kahit ano daw basta magkakasama sila.

Sayang at hindi nasagot ni Bakulog ang pot question, but he went home richer by P10k at kare-kare.

Panalo! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here