Home ENTERTAINMENT Vice, may pasaring kay Janella!

Vice, may pasaring kay Janella!

Manila, Philippines – Cardinal rule na masasabi among our stars ang bawal mag-inarte o magpakita ng “attitude.”

Ang pag-iinarte ay hindi isang lisensya para sa mga datihan nang artista, may ipagmamalaking mga awards o mataas ang estado sa buhay.

No one is exempted from this.

Ito ang dapat itanim siguro sa kukote ni Janella Salvador whose pag-iinarte in her promo guesting on It’s Showtime incurred the ire of most netizens.

Ang siste, nasa nasabing noontime show si Janella kasama ang Thai actor na si Win Metawin to promote their movie.

Bale “tuhog” na rin ‘yon as Janella used her promo guesting as an opportunity to invite the public to her 10th anniversary concert.

Just imagine Janella hitting two birds with one stone via that single exposure.

Kaso this is where Janella’s brash attitude came into the picture.

Nasa aktong nagpo-promote na siya ng kanyang concert nang mag-iba ang ihip ng hangin.

Janella even took the opportunity to announce the release of her song.

Siyempre, na-curious naman ang mga hosts ng It’s Showtime na humiling na kung maaari’y kantahin ni Janella ang kapiraso mula sa kanyang awitin.

When requested, a real trooper would willingly do so lalo pa’t para rin naman ‘yon sa kanya.

Pero sadly, hindi ganito ang takbo ng utak ni Janella.

Hinarap kasi niya si Kim na siyang humihingi ng sample, saka nagdayalog ng: “Paos ako…kayo na lang!”

Ayun, trending tuloy ‘yon sa X (dating Twitter)!

Ang ending tuloy: ginamit ni Vice Ganda ang pag-iinarteng ‘yon ni Janella bilang joke sa ibang segment ng show!

Idalangin sana ni Janella na “paos” lang siya at hindi “laos.” Ronnie Carrasco III