Home IN PHOTOS Mapayapang pagsusulong ng karapatan sa WPS itinutulak ng grupo

Mapayapang pagsusulong ng karapatan sa WPS itinutulak ng grupo

Larawan kuha ni Danny Querubin

MANILA, Philippines- Nagpalipad ng mga kalapati ang Alliance for Peace and Democracy (ABKD) at nag-alay ng bulaklak sa isang press conference sa Quezon City nitong April 5, 2024, upang kondenahin ang agresibong aksyon ng China Coast Guard sa West Philippine Sea at sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ayon sa grupo, dapat respetuhin ng China ang karapatan ng mga mangingisdang Filipino na malayang makapangisda sa West Philippine Sea, na pangunahin nilang hanapbuhay. Hinikayat din ng grupo ang sambayanang Filipino na ipagtanggol ang soberanya ng bansa sa WPS sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan. Danny Querubin