Home METRO Vice mayoral candidate sa Maguindanao del Sur sugatan sa pamamaril

Vice mayoral candidate sa Maguindanao del Sur sugatan sa pamamaril

MANILA, Philippines – Sugatan sa pamamaril ang vice mayoral candidate sa Maguindanao del Sur mula sa hindi pa tukoy na suspek umaga ng Lunes, Pebrero 24, ayon sa United Bangsamoro Justice Party (UBJP).

Binaril ang abogadong si Mohammad Omar Samama, incumbent vice mayor ng Datu Piang, at anak nitong si Datu Piang Mayor Victor Samama, sa Barangay Magaslong, na ilang kilometro lamang ang layo mula sa sentro ng bayan.

Iniulat ng pulisya na si Samama ay nagtamo ng tama ng bala ng baril at sumasailalim sa gamutan.

Tumatakbo ang mag-ama sa politika sa ilalim ng UBJP, isang political party ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). RNT/JGC