Home ENTERTAINMENT Vice, nililigawan si Andres!

Vice, nililigawan si Andres!

Manila, Philippines- Hindi pa man ay marami na ang interesadong kunin si Andres Muhlach para maging bahagi rin ng showbiz.

For one, inuurot ni Vice Ganda ang ama ni Andres na si Aga na kung maaari’y kunin nila ito para mapabilang sa It’s Showtime.

Si Andres ang kakambal ni Atasha na isa nang Dabarkads sa Eat Bulaga.

In her latest vlog, hinihiritan ng Unkaboggable Star ang former matinee idol to allow Andres become a daily host.

Dyinustify naman ni Vice Ganda ang dahilan why she wants Aga’s son on the show.

Sey niya: “Para naman bukod kay Ion (Perez), may guwapo sa show!”

Hindi doon natapos ang “sales talk” ni Vice Ganda.

Sukat ba namang pinagtripan niya ang kanyang mga male co-hosts.

Hirit niya: “Si Vhong (Navarro), ang tanda na…si Jhong (Hilario), matanda na rin…si Ogie (Alcasid), may gout na!”

Maganda nga raw na sa Showtime mapupunta si Andres to keep the competition alive and healthy.

Between Atasha and Andres ay mas focused ang binata nina Aga at Charlene Gonzales sa kanyang studies, although kasama ito sa kanilang family sitcom sa TV5. Ronnie Carrasco III