Manila, Philippines – Marami sa mga tumutok sa coronation night ng Miss Universe Philippines nitong Miyerkoles ng gabi ang nakapansin sa “angry hosting” na ipinamalas ni Alden Richards.
Ikalawang taon nang nagsisilbing host ang Asia’s Multimedia Star ng naturang prestihiyosong national pageant.
Nagwaging MUP ang Filipino-American candidate mula sa Bulacan na si Chelsea Manalo.
Si Chelsea ang pambato natin sa Miss Universe na gaganapin sa Mexico late this year.
Si Alden ang naatasang mag-anunsyo ng Top 20 semi-finalists.
Kinagiliwan naman ng mga viewers at netizens ang tila “galit” na pagho-host ng Kapuso actor lalo na sa pagtawag kung anong lugar sa Pilipinas nagmula ang mga kandidata.
Kabilang sa nakapansin ng “angry hosting” ni Alden si Vice Ganda.
Sa segment na EXPecially For You kinabukasan, Huwebes, “pinaglaruan” ng Unkaboggable Star si Alden.
Pero nag-“Hi!” rin naman si Vice Ganda sa aktor.
Ipinagtanggol naman ng ilang netizens si Alden sa paraan ng hosting nito.
Tila sinadya raw ni Alden na ganoon ang kanyang delivery para buhayin ang mga manonood lalo na ang live audience sa SM Mall Of Asia Arena dahil gabing-gabi na nga naman ay hindi pa tapos ang pageant.
Samantala, naghayag ng kani-kanilang paghanga ang ilang past national winners sa pagkapanalo ni Chelsea.
Kabilang dito ay si Miss Universe 2018 Catriona Gray, MUP 2023 Michelle Dy, Rabiya Mateo at Ariella Arida.
Earlier, ibang kandidata ang inihayag na bet ni Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach.
As for Chelsea, sisikapin daw niyang masungkit ang ikalimang Miss Universe crown. Ronnie Carrasco III