MANILA, Philippines- Nagprotesta ang Vietnam at tinutulan ang pag-angkin ng Tsina at Pilipinas sa pinagtatalunang reef o bahura sa South China Sea (SCS) na itinuturing nitong sariling teritoryo.
Noong nakaraang linggo, nagpalitan ng mga salita ang Maynila at Beijing ukol sa Sandy Cay, isang maliit na sandbank, malapit sa Pag-asa Island (Thitu Island) sa WPS, na inookupa ng Pilipinas, matapos na iulat ng Chinese state media na ang lugar ay inagaw ng Pilipinas.
May ilang buwan nang nagpapalitan ng salita ang Pilipinas at Tsina ukol sa SCS, kung saan ganap na inaangkin ng Beijing ang SCS sa kabila ng international ruling na ang paggigiit nito ay walang legal na basehan.
Araw ng Sabado, sinabi ni Vietnam’s foreign ministry spokeperson Pham Thu Hang sa isang kalatas na naka-post sa official website ng gobyerno na ang Hanoi “issued protest notes to the countries involved regarding violations of its sovereignty over Sandy Cay.”
Kinokonsidera ng Vietnam na ang resource-rich Spratly Islands — na matatagpuan sa 500 kilometers (310 miles) east coast nito– ay bahagi ng kanilang teritoryo.
Winika ni Pham Thu Hang na hinihiling ng Vietnam sa mga “relevant parties” na igalang ang soberanya nito sa kapuluan, hinikayat ang mga ito na “refrain from actions that further complicate the situation”.
Ang Vietnam, kasama ang ilang bansa sa rehiyon, inaangkin din ang bahagi ng strategic waterway. Kris Jose