Home NATIONWIDE Vietnamese firm mamumuhunan ng P10B sa PH renewable energy

Vietnamese firm mamumuhunan ng P10B sa PH renewable energy

MANILA, Philippines – Palalawakin ng CN Green Roof Asia, isang solar rooftop at battery provider sa Vietnam, ang pamumuhunan nito partikular na sa renewable energy space ng Pilipinas sa investment na nasa P10 bilyon sa susunod na dalawang taon.

Ang pondo ay gagamitin sa pagbuo ng portfolio sa local market, partikular ang solar at battery projects.

Ilalaan ang P600 milyong inisyal na investment para sa solar plant sa Bataan.

Nakatakdang magtayo ang grupo ng ground-mounted solar farm sa Hermosa, Bataan.

Nakadisenyo itong magkaroon ng capacity na 20 megawatts (MW) peak.

Sa susunod na taon, target ng Green Roof na simulan na ang konstruksyon, habang ang commercial operations sa posible sa ikatlong quarter ng 2025.

“Building on our extensive experience in solar rooftops, we are excited to enter the utility-scale market in the Philippines. We have developed a robust pipeline of high-impact projects,” saad sa pahayag ni Rob Santler, chief executive officer ng Green Roof.

“This is on the back of the equity investment of one of Green Roof’s shareholders, Climate Fund Managers, into the Philippines in clean water platform Tubig Pilipinas this year, and a planned development of a bioenergy project in northern Luzon,” dagdag pa.

Ang pagpasok ng Green Roof sa Pilipinas ay makatutulong sa pamahalaan na maabot ang target nitong clean energy share sa power generation mix na 35% pagsapit ng 2030. RNT/JGC