Home ENTERTAINMENT Viewers ng Showtime, lumipat na sa Eat Bulaga!

Viewers ng Showtime, lumipat na sa Eat Bulaga!

Manila, Philippines- Pilay ang It’s Showtime pag absent si Vice Ganda.

llang araw nang wala ang Unkaboggable Star sa IS dahil sa kanyang concert sa Amerika.

Malaki nga ang epekto ng pansamantalang pagkawala ng TV host–apektado ang ratings ng show.

As a result, ang mas nakikinabang tuloy rito ay ang katapat na Eat Bulaga.

Lumipat na raw ang viewers ng Showtime sa EB. Gano’n?

So, paano na lang kung pagdating ng campaign period when Vice Ganda needs to support her partner Ion Perez in his bid as Councilor in Concepcion, Tarlac, eh ‘di mapapadalas siyang mag-absent sa show?

Anyway, baka tuluyan nang nagsi-sink in sa Dabarkads na “weather-weather” lang talaga ‘yan.

Who would have thought na ang unkaboggable ding Eat Bulaga is now poor second to Showtime?

But that is for as long as Vice Ganda is around.

Sa aminin man o hindi ng ibang mga hosts dòon, it’s Vice Ganda who’s running the show. Ronnie Carrasco III