Bulacan – Patay ang 31 anyos na lalaking negosyante matapos barilin ng hindi nakilalang motorcycle rider sa parking lot ng ospital sa lungsod ng Malolos.
Kinilala ang kalunos-lunos na biktima na si Christian Burdeos Uchi, businessman, residente ng Grand Royale Subdivision, Brgy. Bulihan.
Sa report ng Malolos police, naganap ang insidente bandang 5:00 ng hapon nitong Oktubre 11 sa parking lot ng isang pribadong ospital sa Brgy. Bulihan.
Ayon sa imbestigasyon, paalis na sana ang biktimang lulan ng Toyota HILUX nang lapitan at barilin ng suspek na lulan ng red Honda Click na kanyang agarang ikinamatay.
Dahil dito, agad nagsagawa ng flash alarm, dragnet, at hot pursuit operation ang pulisya para mahuli ang suspek. Dick Mirasol III