Home NATIONWIDE Villanueva sa docu na tumukoy kay Alice Guo bilang Chinese spy: ’Di...

Villanueva sa docu na tumukoy kay Alice Guo bilang Chinese spy: ’Di dapat gawing basehan’

MANILA, Philippines- Kahit suriin ng Senado ang Al Jazeera documentary na nagsasabing isang Chinse spy si dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo, tinabla ito ni Senador Joel Villanueva dahil hindi umano ito dapat maging basehan bilang buong katotohanan.

“Puwede nating tignan ‘yan ngunit hindi ‘yan ang magiging basehan ng ating committee report. Kaming mga senador alam na natin ‘yan, lalo na ‘yung medyo matatagal na rito, hindi tayo nag-iimbestiga just to get someone else’s report or conclusion. Dapat may sarili tayo dito,” ayon kay Villanueva sa isang panayam.

“Hindi tayo dapat umasa at hindi dapat natin paniwalaan in toto ‘yung mga sinasabi, whether this is an international news outlet, ito ay galing sa ibang bansa na mga intel reports, etcetera, dapat may sarili tayo…dapat meron tayong sariling ginagawa at kayang suportahan ng ating mga information,” dagdag niya.

Ipinalutang ni Villanueva ang puntong ito sa pagdinig, pero hindi rin niya ibinabasura ang posibilidad na tunay siyang espiya ng China.

“We are just saying that we cannot make that conclusion right away. We just wanted to make sure that we have our own investigation and we make sure that our investigation, our information-gathering actually works,” paliwanag niya.

Pinanood ang documentary sa ginanap na pagdinig ng House QuadComm nitong Biyernes na nagpapakitang ibinulgar ni She Zhijiang, isang tycoon na nakakulong sa Thailand ang alegasyon hinggil sa Chinese spies at international conspiracy.

Isinangkot niya dito ang scam sites na kasama sa human trafficking at forced labor.

Ani She sa interview sa loob ng kulungan, ibinulgar nitong kinalap siya bilang Chinese spy sa Pilipinas at isa sa sikreto ng Chinese government na kanyang inaalagaan si Guo. Ginamit niya ang mobile phone ng kanyang handler upang kontakin si Guo Hua Ping, o Alice Guo, sa Pilipinas.

Inatasan umano siya ni Guo na pondohan ang kanyang political campaign.

Natuklasan sa ginamit na dossier mula sa records ni She na nakita sa dokumentaryo na nagsasabing nagmula sa Fujian, China si Guo at ina nitong si Wen Yi Lin.

Pinatotohanan ng kapitbahay ng pamilya ni Guo ang impormasyon na nakalap ng Al Jazeera na nagsasabing umalis ng China ang pinatalsik ng alkalde nong 2002. Pinabulanan ni Guo na isa siyang Chinese spy at iginiit na hindi kilala si She Zhijiang. Ernie Reyes