Suportado ni Senator Mark Villar ang Senate Bill No. 1822 o ang National Autism Care, Support, and Inclusion Act sa pagpasa nito sa third reading. Hangad niya na maging tulay ang batas na ito para matiyak na maayos at sapat ang pagkalinga sa lahat ng Pilipinong nasa Autism Spectrum. Layon ng panukalang ito na gawing abot-kaya ang mga specialized treatment at palawakin ang suporta ng pamahalaan para sa mga pamilya at caregivers sa buong bansa.
MANILA, Philippines — Sinabi ni Transportation Secretary Giovanni “Banoy” Lopez na handang i-donate ng pamilyang Villar ang kanilang lupa upang maresolba ang right-of-way (ROW) issues sa Las Piñas para sa LRT-1 Cavite Extension.
“As a matter of fact, they want their property, they want to donate their property… as part of the extension,” ani Lopez.
Lumabas ang pahayag kasunod ng ulat na iniimbestigahan ng Office of the Ombudsman ang alegasyong nakikialam sina Senador Mark Villar at Senadora Camille Villar sa alignment ng proyekto. Itinanggi naman ng magkapatid ang alegasyon at sinabi nilang bukas sila sa anumang imbestigasyon.
Matatandaang inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang DOTr na agad lutasin ang mga isyu sa right-of-way upang matapos ang buong proyekto bago matapos ang kanyang termino sa 2028.
Tapos na at ginagamit na ang Phase 1 ng proyekto mula Baclaran hanggang Dr. Santos Station sa Parañaque. Samantala, ang Phase 2 at 3 ay kinabibilangan ng mga istasyon sa Las Piñas, Zapote, at Niog.
Sinabi rin ni Lopez na pinag-aaralan ang panukalang baklasin ang C-5 Quirino flyover upang mapabilis ang proyekto, ngunit posible ring manatili ito habang itinatayo ang LRT-1 Extension. RNT/MDS