Home NATIONWIDE Higit 6,900 barangay nanganganib sa baha, landslide dahil sa Kiyapo

Higit 6,900 barangay nanganganib sa baha, landslide dahil sa Kiyapo

3
0

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Office of Civil Defense (OCD) na mahigit 6,900 barangay sa buong bansa ang nanganganib sa pagbaha at rain-induced landslides sa susunod na tatlong araw dahil sa Tropical Depression Kiyapo.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang Kiyapo 875 kilometro silangan ng Northern Luzon at inaasahang lalakas pa bilang tropical storm.

Batay sa tala ng Mines and Geosciences Bureau (MGB), pinakamaraming nanganganib na barangay ang nasa National Capital Region (1,359), kasunod ang Region 1 (1,142) at Region 7 (861).

Kasama rin sa mga apektadong lugar ang:

-Region 10 – 857 barangay

-Region 12 – 622

-Region 2 – 579

-Cordillera Administrative Region – 524

-Region 11 – 269

-Region 6 – 223

-BARMM – 181

-Region 4-B – 145

-Negros Island Region – 88

-Region 9 – 70

-Region 4-A – 19

-Region 13 – 8

Pinayuhan ng OCD ang publiko, lalo na ang mga nasa mga hazard-prone at mabababang lugar, na manatiling alerto at magsagawa ng mga kinakailangang pag-iingat. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here