Home HOME BANNER STORY PH passport, ika-72 pinakamalakas sa mundo

PH passport, ika-72 pinakamalakas sa mundo

3
0

MANILA, Philippines — Umangat sa ika-72 puwesto ang Philippine passport sa pinakabagong Henley Passport Index, mula sa ika-75 puwesto noong 2025.

Kapantay ng Pilipinas sa ranggo ang Benin at Uganda, at may visa-free o visa-on-arrival access sa 65 destinasyon ang mga Pilipino. Ito rin ang ika-7 pinakamalakas na passport sa Southeast Asia.

Nananatiling nangunguna ang Singapore bilang may pinakamalakas na passport sa mundo, na may access sa 192 destinasyon nang hindi kailangan ng visa o may visa-on-arrival.

Kasunod ng Singapore sa Southeast Asia ang Malaysia (ika-7), Brunei (ika-19), Timor-Leste (ika-52), Thailand (ika-63), at Indonesia (ika-68). Mas mababa naman ang ranggo ng Vietnam (ika-87), Cambodia (ika-88), Laos (ika-89), at Myanmar (ika-91).

Ayon kay Christian Kaelin, chairman ng Henley & Partners at lumikha ng Henley Passport Index:

“It reflects far more than peace or prosperity alone.”

“Mobility is ultimately a measure of the value other countries place on their relationship with you.” RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here