MANILA, Philippines- Naghain si dating Batangas Sixth District Representative Vilma Santos-Recto nitong Huwebes ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa Batangas governor, pwestong hinawakan niya noong 2007 hanggang 2016.
Inihain si Santos-Recto, kilala ring beteranang movie at TV actress, ang kanyang COC kasama ang kanyang mga anak na sina Luis Manzano at Ryan Recto na naghain ng kani-kanilang COCs para sa 2025 elections.
Si Manzano, isa ring aktor at television host, ang magsisilbing running mate ng kanyang ina sa pagkandidatong Batangas vice governor.
Samantala, tatakbo si Ryan bilang kinatawan ng sixth district ng Batangas na pwestong hinawakan ng kanyang ina. Nanungkulan din si Santos-Recto bilang Lipa mayor.
Inihain nila ang kanilang COCs sa ilalim ng Nacionalista Party.
Si Santos-Recto ang asawa ni Finance Secretary Ralph Recto, dating senador. RNT/SA