Manila, Philippines- Mismong si Rabiya Mateo na ang umako ng kanyang diperensya kung bakit sa hiwalayan nauwi ang relasyon nila ni Jeric Gonzales.
Ito mismo ang iniulat ni Morly Alinio sa kanyang programang Showbiz Talk Ganern sa DZRH.
Aminado raw ang dating beauty queen na kung may dapat sisihin sa breakup nila ni Jeric ay siya ‘yon.
Nagger daw kasi siya.
Bukod dito’y hindi raw niya napaglalaanan ng oras ang aktor dahil na rin sa pagiging abala niya sa trabaho.
Speaking of the Kapuso couple, nasanay na rin kasi ang publiko sa kanilang off and on relationship.
Kamakailan nga’y inamin ni Rabiya na nangyayari ang kanilang paghihiwalay pag tinotopak siya.
Ikinakatwiran din niya ang kanyang monthly period o menstruation na aniya’y nagti-trigger ng ‘di kagandahang mood.
May mga balita rin noon na overly possessive daw si Rabiya.
At madalas din daw siyang nangingialam ng mga personal belongings ni Jeric tulad ng cellphone nito.
Nakakaintriga nga lang ang pagkakadulas ni Morly nang sabihin niya on air na bumalik daw si Jeric sa dati nitong karelasyon.
“Pa…” lang ang pabiting sabi ni Morly patungkol sa taong binalikan ni Jeric.
Sa comment section ng Facebook live ng kanyang radio program, ayon sa mga netizens ay posibleng ‘yun daw ‘yung napabalitang “gay benefactor” noon ni Jeric.
Kung matatandaan, may na-link na isang gay sa aktor noong 2022.
Nabalita pa ngang ipinatawag si Jeric ng pamunuan ng GMA para kausapin siya tungkol dito.
Noong time na ‘yon ay sina Rabiya at Jeric na ang magkarelasyon, around the same time na nakipag-split ang una sa kanyang nobyo noon pang nasa kolehiyo sila sa Iloilo.
Dagdag pa ni Morly, si Rabiya na rin daw ang nakipagkalas kay Jeric. Ronnie Carrasco III