Home ENTERTAINMENT Vilma, tinawag na ‘queenest’ si Gloria!

Vilma, tinawag na ‘queenest’ si Gloria!

Manila, Philippines – Hindi maaaring hindi batiin ng happy birthday si Maritess Gutierrez.

Si Maritess ang kaisa-isang anak ng yumaong Queen of Philippine Cinema na si Gloria Romero.

Ang ama ni Maritess ay ang nasirang si Juancho Gutierrez na kabilang din sa Sampaguita Pictures.

Si Maritess ay ulilang lubos na.

Her dad Juancho passed away in 2005 makaraang magkaroon ng diabetic stroke noong 2000.

Interestingly, ang kaarawan ni Maritess ay pareho rin ng kay Vilma Santos–November 3.

Without fail, kasabay ng kanyang birthday ay binabati ng Star for All Seasons si Maritess.

Samantala, may 12 pelikulang pinagsamahan sina Gloria at Vilma.

Kabilang dito ay ang Pinagbuklod nd Tadhana: The Ferdinand Marcos Story.

Gloria played Imelda while Ate Vi essayed the role of Imee.

Nagsama rin sila sa Kapag Langit ang Humatol.

Emosyonal nga si Ate Vi nang umattend sa lamay ni Gloria sa Arlington Memorial Chapel.

Also a movie queen herself, para kay Vilma ay the “queenest” si Gloria.

Hawak ni Gloria ang titulong Queen of Philippine Cinema sa pinakamahabang panahon. Ronnie Carrasco III