Manila, Philippines- Pinagpapaliwanag ng kampo ni Vilma Santos ang Film Development Council of the Philippines o FDCP sa pamumuno ni direk Joey Reyes kaugnay ng promo material ng restored film classic bilang tribute kay Nora Aunor.
Dismayado kasi ang mga Vilmanians sa billing ng kanilang idolo sa poster ng pelikulang lkaw Ay Akin.
Ang nasabing movie ay isang 1978 classic na pinagbidahan nina Nora, Vilma at Christopher de Leon mula sa direksyon ni Ishmael Bernal.
Sa promo material, mapapansing ‘di hamak na mas maliit ang points na ginamit sa pangalan ni Vilma kung ikukumpara kay Nora.
Bukod dito’y mas nauna pa ang pangalan ni Christopher kesa kay Vilma na nasa ilalim pa ng pangalan ng aktor.
Ang Ikaw Ay Akin ay isa sa mga pelikulang kasali sa pagdiriwang ng Film Industry Month sa September.
Ayon sa kampo ni Vilma, malinaw na inapi raw ang kanilang idolo to the point na hindi kinilala ng FDCP ang mga kontribusyon din nito’t estado sa industriya.
Tinatawagan ng mga ito ang pansin ni FDCP Chair Joey Reyes para pagpaliwanagin.
Bukas ang Remate Online sa panig ng nasabing direktor na kulang na lang ay isumpa ng mga nanggagalaiting Vilmanians! Ronnie Carrasco III