Home METRO Bangkay ng sekyu, natagpuang palutang-lutang sa La Mesa Dam

Bangkay ng sekyu, natagpuang palutang-lutang sa La Mesa Dam

153
0

QUEZON CITY, Philippines – Natagpuang palutang-lutang sa La Mesa Dam sa Quezon City ang bangkay ng isang security guard na nawawala habang naka-duty noong Linggo ng madaling araw.

Ang 56-anyos na biktima, na sinasabing residente ng Tondo, Maynila, ay iniulat ng kanyang kasamahan na nawawala noong alas-2:30 ng madaling araw.

Ang kanyang bangkay ay natagpuang nakalutang sa dam sa likod ng guesthouse.

Ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management ay rumesponde sa pinangyarihan, at sila ang nag-retrieve sa katawan nito.

Inaalam pa ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) team ng Quezon City Police District Forensic Unit ang nangyari, at magsasagawa ng autopsy upang matukoy kung may foul play. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here