Home ENTERTAINMENT Vince, nagpaliwanag sa Famas controversy!

Vince, nagpaliwanag sa Famas controversy!

Manila, Philippines- Iginiit ng film director na si Vince Tañada na hindi raw talaga ma-locate o mahanap si Eva Darren sa mga sandaling dapat sana’y aakyat sa ito sa entablado para mag-present ng award.

Si Vince din ang direktor ng live streaming ng show ng ika-72 taon ng Famas na idinaos sa Manila Hotel kamakallan.

Dahil umeere ito nang live ay kailangang maging mabilisan ang mga kilos ng mga taong involved sa produksyon.

Ibinaling din ni Vince ang responsibilidad sa tumatayong P.R.O. na direktang kausap ng beteranang aktres.

Entonces, hindi raw sakop ng trabaho ni Vince na makipag-coordinate sa mga kinuhang artista.

Basta ang alam niya’y nasa script na hawak niyang pangalan ni Eva.

Bilang punong-abala ng gabing ‘yon, iginiit ni Vince na responsibilidad niyang lapatan ng kaukulang remedyo ang ‘di pagkakahanap kay Eva.

When couldn’t be found, Vince justified picking on the artist who performed at an earlier segment to act as presenter on Eva’s behalf.

Eva came dressed to the nines with her three grandchildren, shouldering their per dinner plate expenses at P5000 each.

Inalmahan naman ng kapwa beteranang aktres na si Divina Valencia ang umano’y palusot ng Famas.

Photos taken at the event showed Eva sharing the same table with Divina and Marissa Delgado.

May larawan pang lumabas sa social media showing former ABS-CBN executive Charo Santos-Cancio in a light huddle with Eva.

Samantala, isang taga-produksyon ang naninindigan na wala talaga umano sa listahan si Eva bilang presenter.

Sinisisi ito sa isang nagngangalang Renz na hindi man lang inabisuhan ang direktor na wala si Eva sa talaan, gayong pinaghandaan nito ang kanyang pag-attend.

Marami namang nakikisimpatya kay Eva na nag-uudyok sa pamunuan ng Famas na i-reimburse nito ang lahat ng kanyang ginastos.

Isa na si Rita Avila sa mga pumalag na hindi raw tamang ang mga invited presenters pa ang siyang magbabayad ng kanilang pagkain.

Bukas ang Remate Online sa panig ng mga taong sangkot sa pinag-uusapan pa ring kontrobersys sa oldest award-giving body sa bansa. Ronnie Carrasco III