Manila, Philippines- Sa panahon ngayon lalo na sa social media, exercising caution in posting comments is a must.
Ito ang payo ng maraming netizens kay Alex Gonzaga na dapat maging maingat sa pagbibigay ng kanyang mga comments even toward fellow celebrities she’s close to.
To begin with, ito’y bunsod ng panggagaya ni Alex sa dance moves ni Marimar.
Obviously a spoof, “Mareng Mar” nga ang tawag sa kanya habang umiindak a la Thalia in the popular Mexican novela during the 90s.
Kilalang malapit sina Luis Manzano at Alex sa isa’t isa to the point that they often engage in harmless bardagulan on social media.
Si Luis ang parating nambabasag sa trip ni Alex.
Hindi nga napigilang mag-react ni Luis sa Marimar stunt ni Alex.
Post ng TV host: “Sa tinagal-tagal ko nang nabubuhay sa mundong ito, ngayon lang ako nainis nang ganito!”
Obyus that Luis said it in a jokingly manner.
At dahil joke nga lang ‘yon, it should also be answered with a joke.
Hirit ni Alex: “Matagal ka na palang nabubuhay sa mundo, bakit hindi mo na tapusin?”
Hindi nagustuhan ng mga seryosong netizens ang comment ni Alex dahil sa insinuation nito na bakit hindi na lang mag-suicide si Luis yaman din lang na kinainisan nito ang kanyang napanood?
Of course, Alex meant no harm sa kanyang reaction pero para siyempre sa mas nakakarami, suicide is not something to be joked about.
Ke biro pa ‘yon o anupaman, dapat daw ay mag-ingat si Alex at rendahan ang sarili sa pagiging taklesa most of the time. Ronnie Carrasco III