Home ENTERTAINMENT Vincent Co, susuporta, aayudahan ang mga paaralan!

Vincent Co, susuporta, aayudahan ang mga paaralan!

184
0
Screenshot

Manila, Philippines — Ibang klase pala talaga ang pagiging extra generous ni Vincent Co, ang Puregold Price Club Inc. President.

Aba, ang plano ay tulungan at pondohan ang mga napag-iiwanang paaralan sa bansa, at ilagak dito ang buong kita o streaming revenue ng Puregold Channel sa Pusong Panalo Program.

Isang personal na inisyatibo ito ni Sir Vincent mismo.

Mithiin kasi ng Pusong Panalo Program na magbigay-tulong sa mga hindi naaabot na pampublikong paaralan sa pamamagitan ng mga interbensyon na tinutugunan ang mga pangunahing pangangailangan at sistematikong puwang gaya ng solar panel para sa mga paaralan na may limitadong akses sa kuryente; pangkabuhayang package para sa mga guro; groseri para sa mga mag-aaral; pagpapaayos ng mga klasrum; at iba pang kagamitang panturo.

Layunin ng programa na umabot sa 10,000 mag-aaral sa 30 pampublikong paaralan ang maayudahan bago ang 2028.

Ang nasabing YouTube channel ay isang ecosystem na content — mula libreng digital na serye, kolaborasyong pangmusika na kalahok ang mga nangungunang OPM artist, at orihinal na pagkukuwentong Pilipino sa pamamagitan ng taunang Puregold CinePanalo Film Festival. Lumagpas na sa 300,000 subscriber ang channel, at natamo nito ang Silver Play Button ng YouTube.

Naitakda na ng channel ang sarili bilang isa sa mga pinakamayabong na brand-owned media platforms sa industriyang retail sa bansa.

Subalit ang pinakamahalagang panukat ay hindi ang pagdami ng subscriber ng Puregold Channel, kundi ang pagbibigay-daan ng mga estratehiyang retailtainment sa paglalaan ng rekurso sa mahahalagang adbokasiya ng kompanya.

Bawat panonood sa channel ay nagiging kita, at ang bawat piso ay nailalaan sa pampublikong edukasyon.

Para kay Sir Vincent, ang pagsasanib ng paglago ng negosyo at panlipunang pamumuhunan ay hindi lamang isang naratibong pangkomunikasyon kundi isang mandato ng pamumuno.

Sa kontekstong ito, hindi lamang kasangkapan ang retailtainment para sa paglago, kundi isang paraan upang mapakilos ang kapital tungo sa mga resultang tumatagal lampas sa bawat quarterly performance.

Sa ilalim ng pamumuno ni Sir Vincent, may panlipunang epekto ang Puregold na hindi lamang maituturing na bunga ng tagumpay, kundi isa sa pinakamalinaw na sukatan nito.

— JP Ignacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here