Home NATIONWIDE Violations bumaba sa muling pag-arangkada ng NCAP – datos

Violations bumaba sa muling pag-arangkada ng NCAP – datos

110
0

MANILA, Philippines- Bumababa na ang bilang ng nasisitang traffic violations mula nang ibalik ang No Contact Apprehension Policy (NCAP), ayon sa datos mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipinalabas nitong Huwebes.

Mula sa halos 3,000 violations na karaniwang namo-monitor kada araw, bumaba ang bilang sa 1,112 sa unang araw ng NCAP resumption nitong Lunes.

Bumaba pa ang numerong ito sa 952 noong Martes at 797 noong Miyerkules.

Gumagamit sa NCAP ng artificial intelligence-powered cameras upang matukoy ang traffic offenders upang hindi na gaanong kailanganin ang physical apprehensions ng traffic enforcers, base sa MMDA. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here