Home METRO Viral alitan sa parking sa Mandaluyong, iniimbestigahan ng Pulisya

Viral alitan sa parking sa Mandaluyong, iniimbestigahan ng Pulisya

6
0

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan na ng Mandaluyong City Police Station ang viral na insidente ng alitan sa parking matapos kumalat sa social media ang video ng isang indibidwal na umano’y nagbunot ng baril laban sa isang motorista.

Ayon sa pulisya, tinututukan nila ang insidente nang may “highest level of urgency and concern” dahil sa umano’y pagpapakita ng baril sa isang pampubliko o residential na lugar.

“We recognize the public’s concern regarding this incident, particularly over the display of a firearm in a public or residential area,” ayon sa pahayag ng pulisya.

“We would like to clarify that our investigators are already on the ground to identify the parties involved and verify the details surrounding the incident,” dagdag nito.

Batay sa paunang imbestigasyon, nagsimula ang alitan matapos iparada ng isang motorista ang kanyang sasakyan sa harap ng bahay ng suspek. Ayon sa isang ulat ng Super Radyo dzBB, ipinakilala umano ng suspek ang kanyang sarili bilang isang heneral.

Pinaalalahanan ng pulisya ang publiko na labag sa batas ang paggamit ng baril upang manakot o magbanta sa ibang tao at maaari itong humantong sa kasong kriminal at administratibo.

Hinikayat din ng Mandaluyong City Police ang mga sangkot at mga posibleng saksi na makipag-ugnayan sa kanilang Investigation Section upang makatulong sa imbestigasyon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here