Home HOME BANNER STORY Viral photo kasama si Alcantara ipinaliwanag ni Villanueva

Viral photo kasama si Alcantara ipinaliwanag ni Villanueva

386
0

MANILA, Philippines – Ipinaliwanag ni Senator Joel Villanueva nitong Biyernes, Setyembre 12 ang viral picture na kumalat kasama siya at ni dating Bulacan District Engineer Henry Alcantara habang sakay ng isang bangka.

Si Alcantara ang itinuturong sangkot sa maling paggamit ng flood control funds.

Ani Villanueva, ang larawan ay mula sa official event sa kanilang lugar kung saan si Alcantara ay nagsilbing district engineer. Si Villanueva ay mula sa probinsya ng Bulacan.

Nananatiling naka-post sa Instagram page ni Villanueva ang larawan na kuha noong Nobyembre 24, 2021

“On this very special day of Mayor Joni, tuloy-tuloy po ang diwa ng paglilingkod sa ating mga kababayan dito sa Bocaue. Ininspeksyon, binisita at pinasinayaan po natin ang 3 pumping stations along Bocaue river at ang matatapos nang iconic bridge ng Bocaue,” saad sa caption ng post ni Villanueva.

“Nananatiling buhay ang alaala mo Mayor Joni sa bawat Bocaueño. Mahal na mahal na mahal ka namin,” dagdag pa niya.

Matatandaan na sa pagdinig ng Kamara noong Martes, inakusahan ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) engineer Brice Hernandez sina Villanueva at Sen. Jinggoy Estrada na tumatanggap ng kickback mula sa flood control projects.

Tinawag din ni Hernandez ang kanyang dating boss na si Alcantara bilang “chief implementor” na nakikipag-usap sa mga politiko sa naturang modus.

Agad naman na kinontra ni Villanueva ang akusasyon ni Hernandez at sinabing “Wala po ako kailanman naging flood control project. Hindi ko po sasabihin na ‘I categorically deny this accusation’ dahil po may resibo po tayo. Meron pong pwedeng iberipika bakit po ito nangyayari.”

“I will never betray my principle, I will never ever destroy the name that was given to me by my parents,” ani Villanueva sa sesyon ng Senado sa kaparehong araw. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here