Home NATIONWIDE Vis-Min uulanin sa habagat

Vis-Min uulanin sa habagat

Ang Southwest Monsoon o Habagat ay magdadala ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Visayas at Mindanao sa Sabado, iniulat ng PAGASA.

Ang Kanlurang Visayas, Negros Island region, Zamboanga Peninsula, at Palawan ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa Southwest Monsoon na may mga pagbaha o pagguho ng lupa na posibleng mangyari dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa mga localized thunderstorm na may posibleng flash flood o landslide na magaganap sa panahon ng matinding pagkulog.

Sumikat ang araw bandang 5:40 a.m., at lulubog ito ng 6:24 p.m. RNT