Home NATIONWIDE Visa-free entry para sa mga Pinoy pinalawig ng Taiwan

Visa-free entry para sa mga Pinoy pinalawig ng Taiwan

MANILA, Philippines – Pinalawig ng Taiwan ang visa-free entry program nito para sa mga may hawak ng pasaporte ng Pilipinas hanggang Hulyo 31, 2025.

Ang anunsyo ay ginawa ng Taiwan Ministry of Foreign Affairs-Bureau of Consular Affairs noong Hunyo 4, na nire-renew para sa isa pang taon ang “trial visa-free entry” nito para sa mga mamamayan ng mga partner nitong “New Southbound Policy”, kabilang ang Thailand at Brunei.

“After evaluating the effectiveness of the above measures over the past years, participating agencies decided to extend the trial visa-free entry program for one year for nationals of Thailand, Brunei, and the Philippines from August 1, 2024, to July 31, 2025,” saad sa abiso.

Sinabi ng Taiwan MOFA na patuloy nitong susuriin at i-fine-tune ang mga patakaran sa visa nito para makahikayat ng mas maraming bisita habang tinitiyak ang hangganan at seguridad ng publiko.

Unang isinama ang mga Pilipino sa pilot visa-free scheme ng Taiwan noong Nobyembre 2017, na nagpapahintulot sa kanila na manatiling visa-free sa Taiwan nang hindi bababa sa 14 na araw. RNT