Home NATIONWIDE Visayas bloc hiningan ng suporta ni Dy sa Anti-Political Dynasty Law

Visayas bloc hiningan ng suporta ni Dy sa Anti-Political Dynasty Law

192
0

Manila, Philippines — Muling nilinaw ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na seryoso ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na makapagpasa ng isang patas, makatuwiran, at karapat-dapat na maipatupad na Anti-Political Dynasty Law.

Binanggit ito ni Dy nang magsagawa ng konsultasyon ang House Committee on Suffrage and Electoral Reforms sa Cebu ngayon ukol sa nabanggit na panukala.

“Now, we have a clearer appreciation of the balance that must be struck—between the people’s right to choose and the broader goal of expanding opportunities for public service to more of our countrymen. Ngayon naman po ay lumalapit ang Kongreso sa inyo, mga mahal naming taga-Visayas, dahil ang inyong tinig at damdamin ay aming pinahahalagahan at isinasaalang-alang. Mga kababayan, we are serious about passing a fair, just, and implementable Anti-Political Dynasty Law in the 20th Congress,” ani Dy sa pagbubukas ng konsultasyon o pagpupulong.

Malaki rin ang tiwala ni Dy na kapag sinsero ang pakikipag-usap sa taumbayan ay maipapasa ang isang panukala na katulad ng Anti-Political Dynasty Law.

“And we are equally firm in our belief that any law we pass must be the product of wide, inclusive, and sincere consultation—isang batas na maingat na binalangkas, masusing pinag-aralan, at nakaugat sa tunay na saloobin ng mga Pilipino. Habang nagpapatuloy ang mga talakayang ito, hinihiling namin na manatiling bukas, magalang, at makabuluhan ang ating mga diskusyon.”

Pinasalamatan naman ni Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong, chairman ng naturang komite, si Speaker Dy dahil sa suporta nito at pagsusulong na maunawaan ng taumbayan ang panukalang Anti-Political Dynasty Bill sa pamamagitan ng pagpapaabot sa mga Pilipino ang ukol sa 24 na panukala.

“First of all, let me thank the honorable Speaker Faustino ‘Bodjie’ Dy III for his leadership and for his commitment to ensuring that the voices of the people are heard on this measure. This is your opportunity to speak. It is our duty, as your representatives, to listen,” sinabi naman ni Adiong sa paunang pananalita nito.

Naunang nagkonsulta ang komite sa mamamayan ng Cavite at isinunod ang Cebu sa pangunguna ni Speaker Dy upang ang damdamin ng mamamayan ay marinig ukol sa panukalang nabanggit.

Sa panig naman ni Bukidnon 2nd District Rep. Jonathan Keith Flores, mahalagang maipaalam sa mamamayan ang ganitong panukala upang agaran itong maipasa.

“The more the people pressure or support [the measure], the more the members of Congress or members of the Senate will be compelled to pass [them],” dagdag pa ni Flores. (Meliza Maluntag)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here