Home NATIONWIDE Visayas grid isasailalim sa yellow alert

Visayas grid isasailalim sa yellow alert

MANILA, Philippines- Isasailalim ang Visayas grid sa yellow alert ngayong Huwebes ng hapon dahil sa mababang power supply, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Sinabi ng NGCP na magsisimula ang yellow alert ng ala-1 ng hapon.

Mayroong kapasidad ang Visayas grid na 2,662MW, at may peak demand na 2,465MW. Ito ay sa gitna ng forced outage ng 13 power plants habang siyam ang 9 tumatakbo nang may derated capacities.

Samantala, patuloy na isasailalim ang Luzon grid sa red at yellow alerts ngayong Huwebes ng hapon hanggang gabi.

Narito ang schedule:

Red alert

3:00 p.m.- 4:00 p.m.

8:00p.m.- 10:00p.m.

Yellow alert

1:00p.m.- 3:00p.m.

4:00p.m.- 8:00p.m.

10:00p.m.- 11:00p.m.

Ang Luzon grid ay may available capacity na 13,397MW, at may peak demand na 12,892MW. 

Ayon sa NGCP, 19 sa power plants ang nasa forced outage habang isa ang nagpapatuloy ang operasyon nang may derated capacity para sa kabuuang 1,891.3MW na unavailable sa grid. RNT/SA