Home NATIONWIDE Vlogger arestado sa “headshot” caption vs PBBM

Vlogger arestado sa “headshot” caption vs PBBM

332
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang uploader ng isang imahe ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa social media na may caption na “headshot.”

Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na ang ibig sabihin ng “headshot” para sa mga law enforcement agencies ay “barilin sa ulo.”

Ayon kay Santiago, sineryoso nila ang usapin na kalaunan ay ipinaliwanag ng vlogger na iyon ay biro lamang.

“Sabi ko sa inyo, pagdating sa mga pananakot o anumang pagtatangka sa Pangulo, Pangalawang Pangulo, Pangulo ng Senado, Tagapagsalita ng Kamara, at Punong Mahistrado, ito ang pangunahing hurisdiksyon ng NBI,” paliwanag ni Santiago.

Kinilala ang uploader na si Michael P. Romero, o kilala bilang “Mike Romero” sa kanyang Facebook page na may 98,000 followers.

Inaresto ng NBI-Cybercrime Division si Romero sa Pagadian City kahapon dahil sa inciting to sedition kaugnay ng Cybercrime Prevention Act of 2012 matapos nitong aminin na siya ang may-ari ng nasabing account.

Sa kanyang bahagi, ipinagtanggol ni Romero ang kanyang post na hindi nilayon na saktan ang Pangulo.

Aniya, ang “headshot” na iyon ay “headshot na may salitang ‘Bogo’”—iyon lang, wala nang iba pa.

Hindi aniya ibig sabihin na barilin ang Pangulo.

Dagdag pa niya, ang salitang “Bogo” ay nangangahulugang “Bobo” sa Bisaya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here