Home NATIONWIDE Vloggers dumalo na sa pagdinig ng Kamara

Vloggers dumalo na sa pagdinig ng Kamara

MANILA, Philippines- Matapos ang ilang beses na pag-isnab, dumalo na sa pagdinig ng House Tri Committee ang ilang inimbitahang online vloggers kaugnay ng isinagawang House inquiry ukol sa usapin ng fake news at disinformation.

Kabilang sa vloggers na dumalo sa pagdinig ay sina dating PCO Secretary Trixie Cruz-Angeles, Elizabeth Joie Cruz, MJ Quiambao-Reyes, Krizette Laureta Chu, Dr. Richard Mata, Dr. Ethel Pineda Garcia, Mark Anthony Lopez at Aeron Peña.

Matatandaang una nang nagbanta ang TriComm na papatawan ng contempt at ipakukulong ang vloggers na hindi pa rin dadalo sa pagdinig.

Ang tri-committee ay kinabibilangan ng House committee on public order and safety, committee public information at committee on information and communication technology.

Ang imbestigasyon ng panel ay kasunod ng privilege speech ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na nagpahayag ng pangamba sa pagkalat ng fake news online.

Layon ng imbestigasyon na makabalangkas ng regulatory framework para sa social media upang maiwasan na intensyonal na pagpapakalat ng fake news at mapatawan ng parusa ang mga lalabag. Gail Mendoza