Home HOME BANNER STORY Vloggers na promotor ng online sugal, hinubaran ng CICC

Vloggers na promotor ng online sugal, hinubaran ng CICC

328
0

MANILA, Philippines – Ipinasa ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ng DICT sa PNP-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang listahan ng mga social media influencer na umano’y nagpo-promote ng illegaly online gambling para sa posibleng kaso.

Sa isang press briefing, sinabi ni CICC chief Undersecretary Renato “Aboy” Paraiso na natukoy ng ahensya, katuwang ang advocacy group na Digital Pinoys, ang 30 influencer, kung saan ang 15 sa kanila ay may followers na 1.1 milyon hanggang 9.2 milyon.

May be an image of text

Binigyan na ng pagkakataon ang mga ito na tanggalin ang gambling-related na content ngunit hindi ito ginawa.

Ayon kay Paraiso, sisimulan na ng PNP-ACG ang pagbuo ng kaso, na posibleng may kasamang paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012, Presidential Decree 1602 sa ilegal na sugal, at Article 315 ng Revised Penal Code ukol sa estafa.

Iniimbestigahan din ang posibleng grand conspiracy o malakihang syndicated estafa.

Ipinahayag naman ni Digital Pinoys campaigner Ronald Gustilo na maglunsad sila ng bagong software para mas mapadali ang pag-monitor sa cyberspace, na kayang tuklasin ang mga illegal gambling sites. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here