
MANILA, Philippines- Naglabas ng vog alert sa Taal Volcano nitong Martes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Naiulat ang volcanic smog sa Taal Caldera ng alas-2 ng hapon, habang may kabuuang 6,837 tonnes kada araw ng volcanic sulfur dioxide ang naitala mula Lunes.
Batay sa datos mula sa Batangas Provincial Disaster Risk Reduction Management Office narito ang mga lugar na apektado ng vog:
Agoncillo
Laurel
Balete
Sta. Teresita
Calaca
Mabini
Mataas na Kahoy
Lemery
San Nicolas
Talisay