Home NATIONWIDE Amihan, easterlies iiral sa ilang bahagi ng PH

Amihan, easterlies iiral sa ilang bahagi ng PH

MANILA, Philippines- Makaaapekto ang northeast monsoon (amihan) sa Northern at Central Luzon habang iiral ang easterlies sa natitirang bahagi ng bansa ngayong Miyerkules, ayon sa PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa Isabela, Quirino, Aurora, at sa northern portion ng Quezon na sasabayan ng kalat na pag-ulan dahil sa shear line na posibleng magdulot ng bahat at pgguho ng lupa dahil sa “moderate to at times heavy rains.”

Inaasahan din sa Cordillera Administrative Region at sa natitirang bahagi ng Cagayan Valley ang maulap na kalangitan at mahinang pag-ulan dahil sa northeast monsoon.

Nagbabadya sa Ilocos Region at natitirang bahagi ng Central Luzon ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated light rains”dahil sa northeast monsoon.

Makararanas din ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa easterlies at localized thunderstorms na may posibilidad ng flash floods o landslides sakaling magkaroon ng severe thunderstorms.

Ang wind speed forecast para sa Luzon, Visayas, at sa northern at eastern sections ng Mindanao ay moderate to strong at patungong northeastward habang ang coastal waters ay magiging moderate to rough.

Makararanas din ang natitirang bahagi ng Mindanao ng light to moderate wind speed patungong northeastward na may slight to moderate coastal waters.

Sumikat ang araw ng alas-6:05 ng umaga at lulubog ng alas-6:06 ng hapon. RNT/SA

Previous articleBATAS HIGPITAN VS CAMOTE RIDERS
Next articleVog alert sa Bulkang Taal inilabas ng Phivolcs