MANILA, Philippines – Nakatanggap lamang ng mas kakaunting ulat ng vote-buying at vote-selling ang Commission on Elections (Comelec) sa nagdaang 2025 elections.
Ayon sa Comelec Committee on Kontra Bigay (CKB), kabuuang 1,126 insidente ng vote-buying at vote-selling ang iniulat ng komisyon para sa May elections noong Hunyo 5—mas kaunti kumpara sa 1,200 iniulat noong 2022 national elections.
Sa mga bilang, 677 ang nauugnay sa pagbili at pagbebenta ng boto, habang 227 naman ang may kaugnayan sa abuse of state resources (ASR).
Ang mga rehiyon na may pinakamataas na bilang ng mga reklamo ay ang Rehiyon III, IV-A, NCR, V, at I.
Iniuugnay ni Commissioner Ernesto Maceda Jr., chairperson ng CKB, ang pagbaba ng mga iligal na aktibidad sa pagtaas ng kamalayan ng publiko, mas aktibong pagpapatupad ng mga batas, at pagtaas ng takot sa mga kahihinatnan para sa mga kandidato sa Eleksyon 2025. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)