MALOLOS, BULACAN– Sa ikalawang pagkakataon, muling nagdaos ng kanilang campaign rally ang Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa lalawigan ng Bulacan na isa sa “vote rich” provinces sa bansa na may 2.17 million voters.
Noong Pebrero 28 ay isinagawa ng “Alyansa” ang kanilang campaign sortie sa San Jose del Monte Bulacan at ngayong Mayo 7, sa Malolos, Bulacan.
Naging malaki ang kontribusyon ng Bulacan sa kandidatura ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. noong 2022 kung saan nakakuha ito ng 1,024,069 boto.
Tinuring ni Alyansa campaign manager at Navotas City Rep. Toby Tiangco na “powerhouse” ang Bulacan dahil na rin sa mabilis na pag unlad nito.
“Bulacan is a powerhouse, a gateway to progress. This province has always stood for strong leadership, and Alyansa is committed to ensuring that Bulakenyos reap the full benefits of national development,” ani Tiangco.
Ani Tiangco, malapit na ang kumplesyon ng malalaking infrastructure project sa Bulacan, kabilang dito ang North-South Commuter Railway, ang Bulacan International Airport at mga major expressway expansions.
“These projects will not just benefit Bulacan but will fuel the economic growth of the entire Central Luzon region,” ani Tiangco.
Sa panig ng mga senatorial bets, nangako ang mga ito na palalakasin pa ang sektor ng manufacturing at agricultural sector sa Bulacan.
At sa paglaki ng populasyon ng Bulacan, tiniyak ng Alyansa na palalakasin din ang healthcare services.
Gayundin ang pagpapalakas ng education programs partikular ang pagdagdag ng scholarships, technical-vocational training at pagsasaayos ng school facilities.
“Bulacan is a pillar of progress. We are here to build on that foundation, ensuring that every Bulakenyo benefits from the nation’s continued development,” paliwanag pa ni Tiangco.
Umaasa ang Alyansa na makukuha nito ang suporta ng mga Bulakenyo na “historically” ay may mataas na voter turnout tuwing eleksyon. Gail Mendoza