Home NATIONWIDE Voter registrants higit 4.8M na

Voter registrants higit 4.8M na

99
0

MANILA, Philippines – Pumalo na sa mahigit 4.8 milyon na bagong botante ang nakapagparehistro para sa 2025 national and local elections (NLE), base sa datos ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon sa Comelec, ang kabuuang rehistradong botante para sa May 2025 elections ay umabot na sa 4,827,794 na lagpas na sa target na 3 milyon.

Ang Calabarzon ang nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng nagparehistro na nasa 801,784. Sinundan ito ng National Capital Region (NCR) na may 650,683; Central Luzon na may 557,082; at Davao region na may 283,730.

Nakapagtala naman ang Comelec main office ng 7,620 bagong botante.

Nananatili namang nasa 2,496,436 ang bilang ng mga nagparehistrong kababaihan at 2,332,358 naman ang mga lalaki.

Matatapos ang voter registration para sa midterm elections sa September 30, 2024.

Maaari namang magparehistro ang mga aplikante mula Lunes hanggang Sabado, alas-8 hanggang alas-5 sa anumang Comelec office sa buong bansa.

Bukas din ang Register Anywhere Program para sa mga nagnanais na magparehistro sa mga itinalagang voter registration sites sa mga mall at eskuwelahan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here