Home NATIONWIDE DOH nagbabala sa epekto ng oil spill sa kalusugan ng tao

DOH nagbabala sa epekto ng oil spill sa kalusugan ng tao

256
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa epekto sa kalusugan ng oil spill sa mga tao kapag ito ay nalanghap, nadikit o ito ay nalunok kasunod ng paglubog ng dalawang tanker sa baybayin ng Bataan.

Sa abiso, binigyang-diin ng DOH na ang oil spill ay maaaring magdulot ng sumusunod na epekto sa kalusugan depende sa kung paano nalantad ang isang indibidwal dito.

Sa pamamagitan ng paglanghap, makakaranas ng eye irritation, pagtaas ng blood pressure, irregular na pagtibok ng puso, pananakit ng ulo, walang ganang kumain, pagduduwal at hirap mag-concentrate.

Sa pamamagitan naman ng skin contact, makakaranas ng skin irritation, blisters, burns, peeling skin at dermatitis.

Kapag nakalunok naman ay pagsusuka, pagtatae, abdominal pain, ubo, pagkairita at kawalan ng malay.

At kapag naparami ay maaari itong magresulta sa mga kombulsyon, coma at kamatayan.

Upang maiwasan ito, naglagay ng warning signs sa mga apektadong lugar o maglagay ng tubig sa apektadong katawan. Tiyakin din na ang maiinom na tubig ay ligtas at malinis.

Dapat ding pagbawalan ang mga bata sa mga apektadong lugar kung saan sila madalas naglalaro dahil sila ay nasa mataas na panganib ng paglunok.

Kapag nalantad naman sa oil spill o anumang kemikal mula sa oil spill, dapat alisin ang damit at i-decontamiante.

Agad ding hugasan ang apektadong bahagi ng katawan ng sabon at tubig.

Sa mga nakararanas ng sintomas, pinayuhan ng DOH ang publiko na agad humingi ng medical assistance sa pinakamalapit na pasilidad o healthcare professionals.

Gayundin sa mga alagang hayop na dapat pagbawalang maligo o uminom sa mga apektadong tubig mula sa oil spill.

Pinayuhan din ng DOH ang publiko na huwag kumain ng seafood tulad ng isda, shellfish mula sa apektadong lugar at kalapit na water sources maliban na lamang kapag pinayagan ng local authorities.

Ang MT Terranova at MTKR Jason Bradley ay lumubog sa dagat na sakop ng Bataan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here