Home HOME BANNER STORY Voter registration para sa 2025 umarangkada

Voter registration para sa 2025 umarangkada

MANILA, Philippines- Sinimulan ng Commission on Elections (Comelec) noong Lunes ang pitong buwang panahon ng pagpaparehistro ng mga botante para sa 2025 pambansa at lokal na halalan.

Sa unang araw ng voter registration, alas-4 pa lamang ng madaling araw ay pumila na ang ilang residente sa tanggapan ng Comelec sa Arroceros.

Nakatakda ring simulan ang Comelec’s Register Anywhere Program (RAP), na nagpapahintulot sa mga karapat-dapat na Pilipino na magparehistro para bumoto sa mga itinalagang site tulad ng mga mall at paaralan.

Nauna nang sinabi ni Comelec chairman George Garcia na hindi na magiging mahigpit ang voter registration sa loob ng malls, kung saan inaasahang matatapos ng bawat registrant ang kanilang aplikasyon sa loob ng humigit-kumulang 10 minuto.

Nasa 170 malls sa buong bansa ang inaasahang magho-host ng RAP.

Sa kanilang pagpaparehistro, ang mga aplikante ay kailangang magprisenta ng mga sumusunod na government-issued identification cards (ID) bearing their signature:

  • National Identification (ID) card ng Philippine Identification System (PhilSys)

  • Postal ID card

  • PWD ID card

  • Student’s ID card o library card, na pirmado ng school authority

  • Senior Citizen’s ID card

  • Land Transportation Office (LTO) Driver’s License/Student Permit

  • National Bureau of Investigation (NBI) Clearance

  • Philippine Passport

  • Social Security System (SSS)/Government Service Insurance System (GSIS) or other Unified Multi-Purpose ID card

  • Integrated Bar of the Philippines (IBP) ID card

  • Lisensyang inisyu ng Professional Regulatory Commission (PRC)

  • Certificate of Confirmation na inisyu ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) kapag miyembro ng ICCs o IPs

  • Barangay Identification/ Certification na may larawan o iba pang government-issued valid ID

Ilang indibidwal din ang pumila sa Comelec headquarters sa Palacio del Gobernador ngayong Lunes upang magparehistro.

Samantala, ang delegasyon ng komisyon sa pangunguna ni Garcia ay nakatakdang tumulak sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea sa Lunes para sa voter registration.

Sinabi ng Comelec na hindi bababa sa tatlong milyong Pilipino ang inaasahang magpaparehistro bilang mga bagong botante sa buong bansa bago ang 2025 na botohan.

Hindi bababa sa 67.8 milyong botante ang kasalukuyang nakarehistro sa buong Comelec.

Ang pagpaparehistro ng botante ay tatakbo hanggang Setyembre 30, 2024, habang ang pagpaparehistro para sa RAP ay hanggang Agosto 31, 2024.

Maaaring magparehistro ang mga aplikante mula Lunes hanggang Sabado, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, sa lahat ng tanggapan ng Comelec sa buong bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleInfra damage sa Mindanao floods, landslide pumalo sa P738M – NDRRMC
Next articleUS air assets maghahatid ng tulong sa Davao de Oro landslide victims – AFP